Sunday, February 8, 2026

𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬-𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗨𝗥𝗢𝗥𝗔 𝗣𝗦



‎Cauayan City – Timbog ang isang Street Level Individual na kilala sa alyas na “Gabo,” 46-anyos, may asawa at walang trabaho, matapos ang isang buy-bust operation na isinagawa kahapon, Enero 10, 2026, sa Barangay Sta. Rita, Aurora, Isabela.

‎Pinangunahan ng Aurora Police Station ang operasyon katuwang ang Provincial Intelligence Unit ng Isabela PPO at sa koordinasyon ng PDEA Regional Office 2.

‎Ayon sa ulat ng kapulisan, isang informant umano ang nagbigay ng impormasyon kaugnay sa ilegal na gawain ng suspek dahilan upang isagawa ang operasyon.

‎Nasamsam mula sa suspek ang humigit-kumulang 0.9 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang Php 6,120.00, kabilang ang buy-bust item at iba pang sachet ng ilegal na droga.

‎Narekober din ang iba’t ibang personal na gamit gaya ng cellular phone, wallet, buy-bust money, driver’s license, isang motorsiklo na walang plaka, at isang backpack.

‎Samantala, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

‎Source: PNP AURORA

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments