
Cauayan city — Muling ipinagmalaki ng lalawigan ng Isabela ang isang nurse mula sa Lungsod ng Cauayan matapos itong makapasa ng Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) Secondary Level na ginanap noong Setyembre at Nobyembre 2025.
Siya si Aiza Salvacion Aboy, isang registered nurse, master of Arts in Nursing, at licensed professional teacher.
Si Aboy ay may malawak na akademikong background, kabilang ang Bachelor of Science in Nursing mula sa Our Lady of the Pillar College, Master of Arts in Nursing sa Philippine Women’s University, at Bachelor of Secondary Education mula sa Isabela Colleges. Nauna na rin niyang napagtagumpayan ang Philippine Nurse Licensure Examination (PNLE).
Kabilang siya sa 32 matagumpay na examinees mula sa 54 na kumuha ng LEPT Secondary Level sa kanilang unibersidad, na nagbunga ng higit 59.26 porsiyentong passing rate.
Ang kanyang pagkakapasa ay patunay ng kanyang dedikasyon sa pagkatuto at serbisyo sa larangan ng edukasyon.
Sa kanyang mensahe, hinikayat niya ang mga nangangarap na huwag sumuko sa kanilang mithiin. Isa si Aboy sa mga nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataan ng Lambak ng Cagayan na nagsusumikap para sa tagumpay.
source: RCVN
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










