Wednesday, February 4, 2026

𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗨𝗖𝗞, 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗜𝗥𝗜𝗚𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗔, 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔


Cauayan City – Nahulog sa isang irigasyon ang isang KIA double cab truck kahapon, ika-3 ng Pebrero, bandang 11:35 ng umaga, sa bayan ng Luna, Isabela.

Ang driver na nakilalang si “Coco,” isang construction worker mula Tabuk City, Kalinga, ay patungo sa Lungsod ng Cauayan upang bumili ng piyesa ng heavy equipment.

Ayon kay Coco, bago mangyari ang insidente, nag-signal light siya upang mag-overtake. Ngunit sa kalagitnaan ng pag-overtake, isang mini dump truck ang biglang pumasok sa daan kaya napilitan siyang mag-full brake at nag-skid ng ilang metro.

Dahil sa pag-skid, nawalan siya ng kontrol sa sasakyan at piniling ihulog na lamang ito sa irigasyon upang maiwasan ang panganib sa iba pang motorista. Nasira rin ang ilang bahagi ng barikada dahil sa lakas ng banggaan.

Sa kabutihang palad, hindi nasaktan sina Coco at ang kasama niyang si “Bitoy” dahil nakasuot sila ng seatbelt. Ang insidente ay nagtulak ng paalala sa mga motorista na maging maingat sa kalsada.

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments