CAUAYAN CITY – Naglabas ng abiso ang Isabela Electric Cooperative -1 hinggil sa taas singil sa konsumo sa kuryente para ngayong buwan ng Marso.
Ayon sa kooperatiba, ang pagtaas ay dulot ng increase sa generation rate Transmission rate, System Loss Rate, Lifeline Subsidy, Senior Citizen Subsidy, at Transmision VAT charge & System Loss VAT Charge.
Sa inilabas na anunsyo, ang singil para sa residential consumer ay P10.6437 per kWh. Habang sa low voltage consumer naman ay P9.7682 per kWh at sa High Voltage naman ay P7.8375 per kWh.
Bahagya namang nakaramdam ng pagkabahala ang ilang member-consumer-owners dahil umano sa sabay-sabay na pagtaas sa presyo ng bilihin, gasolina, at kuryente.
Facebook Comments