Mga balang nakumpiska sa NAIA mula Enero, umaabot na sa halos 4,000

Kinumpirma ng Office for Transportation Security (OTS) na umaabot na sa 3,971 mga bala ang kanilang nakumpiska sa taong ito.

Ayon kay OTS Spokesperson Kim Alyssa Marquez, ang naturang mga bala ay nakumpisma sa NAIA terminals lamang mula January 1 hanggang March 13,2024.

Aniya, karamihan sa mga pasaherong may dalang bala sa kanilang bag ay mga naka-uniporme o awtorisadong humawak ng baril.


Habang ang karaniwang nahuhuling mga pasahero na may dalang bala ay ginagamit ng mga ito bilang anting-anting.

Bunga nito, nagpaalala ang OTS sa mga pasahero na suriin munang mabuti ang laman ng kanilang mga bagahe bago magtungo sa paliparan upang hindi sila maabala sa biyahe.

Facebook Comments