𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗙𝗨𝗡 𝗥𝗨𝗡 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗔𝗬𝗢𝗦

Cauayan City – Naging maayos at mapayapa ang isinagawang Fun Run Activity kaninang madaling araw, ika-5 ng Oktubre, dito sa lungsod ng Cauayan.

Ang aktibidad na ito ay parte ng selebrasyon ng Patronal Fiesta ng Our Lady of the Pillar Parish Church Cauayan City.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay POSD Chief Pilarito Mallillin, bukod sa Public Order and Safety Division ay katuwang rin nila sa pagbabantay kanina ang Cauayan City Police Station, Cauayan City Fire Station, CDRRMO, Force Multipliers, at iba pang mga ahensya ng gobyerno.


Aniya, bagama’t dinagsa ito ng mga kalahok ay hindi naman lubhang naapektuhan ang daloy ng trapiko sa pambansang lansangan sa nasasakupan ng lungsod ng Cauayan na naging parte ng rota ng nabanggit na fun run.

Facebook Comments