Monday, March 23, 2026

𝗝𝗔𝗣𝗔𝗡𝗘𝗦𝗘 𝗜𝗡𝗩𝗘𝗦𝗧𝗢𝗥𝗦, 𝗕𝗨𝗠𝗜𝗦𝗜𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗘𝗖𝗛𝗔𝗚𝗨𝗘


CAUAYAN CITY – Bumisita sa Bayan ng Echague, Isabela ang ilang Japanese Investors sa pangunguna ni Isamu Nohara, Presidente ng Watahan & Corporation Group, kasama si Froilan Aniag, President at CEO ng Richetec Incorporated para sa mga pangunahing industriya ng Bayan.

Layunin ng pagbisita na tuklasin ang mga potensyal na oportunidad sa pamumuhunan at palakasin ang ugnayan ng lokal na pamahalaan sa international partners.

Kaugnay nito, nagkaroon ng serye ng engagement at presentasyon mula sa iba’t ibang institusyon at sektor upang maipakita ang kakayahan, inobasyon, at mga proyektong maaaring pasukin ng mga dayuhang mamumuhunan.

Kabilang sa mga binisitang pasilidad ang rice processing system sa Brgy. Ipil, Mechanical Dryer, at Corn at Rice Warehouse Facility ng munisipyo.

Pinuntahan din ng delegasyon ang Cagayan Valley Cacao Development Center sa Isabela State University upang masaksihan ang mga programang pang-agrikultura at value-adding initiatives sa Lalawigan.

Umaasa ang lokal na pamahalaan na magsisilbing simula ang nasabing pagbisita ng mas matibay na kolaborasyon na magbubukas ng mas maraming oportunidad sa pamumuhunan, magpapalago sa ekonomiya, at magpapalakas ng ugnayan ng Echague sa mga International partners.

Facebook Comments