𝗝𝗢𝗕 𝗙𝗔𝗜𝗥, 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡

Cauayan City – Nakatakdang magsagawa ng Job Fair sa lungsod ng Cauayan ngayong darating na linggo, ika-6 ng Oktubre taong kasalukuyan.

Ang aktibidad na ito ay isasagawa kaugnay sa selebrasyon ng 2024 Patronal Fiesta ng Our Lady of the Pillar Parish Church Cauayan City kung saan katuwang nila rito ang Public Employment and Services Office Cauayan City.

Magaganap ang nabanggit na job fair sa 2nd Floor ng OLP Parish Patronal Hall, Brgy. District 3, Cauayan City, mula alas otso ng umaga hanggang alas dose ng tanghali.


Inaanyayahan naman ang lahat ng mga Job Seekers na dumalo at makilahok sa aktibidad dahil iba’t-ibang mga ahensya at kumpanya ang naghihintay para sa kanila.

Facebook Comments