𝗝𝗢𝗕 𝗙𝗔𝗜𝗥 𝗦𝗔 𝗦𝗬𝗨𝗗𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡, 𝗗𝗜𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔

CAUAYAN CITY – Maagang dumagsa upang magpalista ang mga job seekers sa ginaganap ngayon na DOLE Job Fair sa Ilagan Community Center dito sa Isabela.

Hindi bababa sa limang libong bakanteng trabaho ang inaalok mula sa nasa 44 employers na nakilahok sa Rehiyon dos.

Maliban sa mga private companies, narito rin ang Philippine Army upang maghanap ng mga maaring kwalipikado makapasok at maging sundalo.


Kaugnay nito, maliban sa job fair ay mayroon ding TUPAD Payout na kung saan inaasahang 900 na benepisyaryo ang mabebenepisyuhan sa isasagawang pamamahagi ng P4,000,000 piso halaga bilang kabayaran sa kanilang sampung (10) araw na pagtatrabaho.

Narito rin ang KADIWA program na nag-aalok naman ng mga murang produkto mula sa iba’t ibang munisipalidad sa Isabela.

Sa pangbungad na mensahe, inanyayahan ni City Councilor Jay Eveson Diaz, ang mga Isabelaño na makilahok sa ginaganap na Job Fair.

Positibo rin ito na maraming job seekers ang ma hahired on the spot.

Facebook Comments