𝗝𝗒𝗕 π—™π—”π—œπ—₯, π—¦π—œπ—¦π—œπ—žπ—”π—£π—œπ—‘π—š π—šπ—”π—ͺπ—œπ—‘ 𝗀𝗨𝗔π—₯π—§π—˜π—₯π—Ÿπ—¬ π—‘π—š π—£π—˜π—¦π—’ π—œπ—¦π—”π—•π—˜π—Ÿπ—”

 

Cauayan City – Matapos ang naging matagumpay na pagsasagawa ng Job Fair 2024 sa lungsod ng Ilagan, sinabi naman ng PESO Isabela na plano nilang gawin quarterly ang naturang programa.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay PESO Isabela Manager Cecilia Claire Reyes, ang programang katulad nito ay malaking tulong para sa mga IsabileΓ±ong naghahanap ng trabaho.

Aniya, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Job Fair quarterly, mahihikayat ang mga investors at employers na pumunta sa lalawigan upang mamuhunan lalo na kung makikita ng mga ito na hindi mahirap maghanap ng mga manggagawa sa lalawigan.


Idagdag pa ang magagaling at masisipag na mga manggagawa, mas umano ang ekonomiya ng lalawigan ng Isabela.

Dahil dito, sinabi ni PESO Isabela Manager Reyes na dapat ay parehong pangalagaan ang mga employers at mga Job Seekers sa lalawigan.

Facebook Comments