𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗛𝗔𝗟𝗟 𝗦𝗔 𝗡𝗨𝗡𝗚𝗡𝗨𝗡𝗚𝗔𝗡 𝟭 𝗡𝗔 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡, 𝗜𝗣𝗔𝗣𝗔𝗦𝗨𝗥𝗜 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗛𝗜𝗡𝗬𝗘𝗥𝗢

 

Cauayan City – Ipapasuri ng bagong administrasyon ng Brgy. Nungnungan 1, ang ipinatatayong Brgy. Hall sa kanilang lugar.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Brgy. Kapitan Ariel Santos, wala pa sa kanilang planong ituloy ang Brgy. Hall na naiwang proyekto ng huling admistrasyon.

Aniya, naaalangan ito lalo pa’t mukhang hindi umano maganda ang pagkakatayo dahil sa kulang ang pundasyon ng naturang Brgy. Hall.


Sinabi nito na mas mabuti nang ipasuri muna sa mga propesyonal na inhinyero ang naturang istraktura upang masigurado ang kaligtasan nito.

Sinabi niya na mahirap naman umanong ituloy ang proyektong ito lalo pa’t hindi siya sigurado kung tama at ligtas ba ang pagkakatayo nito.

Maaari kasing sakanila ang maging sisi ng mga residente kapag tinuloy ang proyekto at hindi naman maganda o ligtas ang kalalabasan nito.

Sinabi rin ni Kapitan Santos na hindi muna siya maglalaan ng budget para rito hangga’t hindi pa ito nasusuri ng inhinyero.

Facebook Comments