𝗞𝗔𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗞𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗥𝗜𝗔, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗗𝗥𝗥𝗠𝗢

Muling pinaalala ng Pangasinan PDRRMO ang ukol sa pagkakaroon dapat ng kaalaman ng publiko sa sakit na malaria.

Bilang ipinagdiriwang ang World Malaria Day tuwing ikaw-dalawampu’t lima ng Abril, ipinaalala muli ng awtoridad ang kahalagahan ng pagiging maalam dapat ng publiko sa naturang sakit.

Naglalayon rin ang pagdiriwang sa World Malaria Day na magtaas ng kamalayan tungkol sa sakit at sinisikap na makontrol o maging masugpo na ito.

Nakukuha ang sakit na malaria mula sa isang parasite na siyang tinatawag na Plasmodium.

Nalilipat ang sakit sa pamamagitan ng kagat ng babaeng lamok o tinatawag na Anopheles na may dalang parasite.

Paalala na lamang ng awtoridad ang ibayong paglilinis ng tahanan lalo sa mga sulok sulok at mga lugar na maaaring pamugaran ng mga lamok. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments