𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗟𝗣𝗢𝗞 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗡𝗘𝗛𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗞𝗔-𝗣𝗔𝗥𝗞 𝗡𝗔 𝗧𝗥𝗨𝗖𝗞

Bigla na lamang umanong nawalan ng kontrol sa manibela ang 53 anyos na nurse kinilalang si Jose Tadeo Jr. mula Brgy. San Jose, Bani.

Ayon sa imbestigasyon, patungong Bolinao ang biktima nang mawalan ng kontrol kaya sumalpok sa nakapark na dump truck ang motor.

Nagtamo ng malalang injuries ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at naisugod pa sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.

Hindi nakasuot ng protective helmet ang biktima at negatibo sa alcohol breath test. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments