Nagpaalala ang Pangasinan PDRRMO ukol sa kahandaan ng publiko kung sakaling magkaroon ng power outages sa ilang lugar.
Ang naturang pagpapaalala ay dahil na rin sa naging anunsyo kahapon ng NGCP hinggil sa hinggil sa Luzon Grid Yellow at Red Alert at magkaroon ng power outages sa ilang lugar.
Ayon sa Pangasinan PDRRMO, dapat handa ang publiko lalo sa kanilang mga kabahayan para sa mga maaaring maidulot ng power outages.
Dapat may nakahandang light sources gaya ng kandila, flashlight o Emergency light.
Dapat rin na maya battery backups tulad ng power bank, battery, solar panel, o generator.
Hindi rin maganda kung nakasaksak pa rin ang mga electronic appliances kahit walang dumadaloy na kuryente, dapat na tanggalin pa rin ang mga ito sa pagkakasaksak.
Muli, paalala ng tanggapan na maging aware sa schedule ng maintenance o pagkawala ng kuryente nang sa gayon ay handa at hindi maabala sa mga pinagtatrabahuan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨