𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗔𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗢𝗡𝗦𝗬𝗨𝗠𝗘𝗥

Mabenta sa mga konsyumer ngayon ang produktong itlog na nabibili sa ilang pamilihan sa Dagupan City dahil sa nakitang pagbaba sa presyo nito sa ngayon.

Nasa apat na piso na kasi ang starting price para sa produktong itlog kung nakadepende pa rin sa klase at laki.

Ang ilang konsyumer, ikinatuwa ang mababang presyo ng naturang produkto dahil isa ito sa mga pangunahing inihahain sa hapag lalo ng mga nasa minimum wage lamang ang sahod.

Hayag naman ng Department of Agriculture na wala umanong magaganap na pagtaas sa presyo ng poultry products tulad ng itlog.

Samantala, apat na piso ang pinakamaliit na klase ng itlog na ibinebenta ngayon sa mga pamilihan habang nasa walong piso hanggang siyam na piso naman ang presyo ng pinakamalalaking klase nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments