
Cauayan City β Tinututukan ngayon ang pagpapalakas ng kakayahan ng mga kababaihan sa lungsod ng Cauayan pagdating sa Aquaculture at Fish Processing.
Kamakailan lamang, bilang bahagi ng selebrasyon ng National Womenβs Month ay isang programang pangkabuhayan ang inilunsad ng LGU Cauayan katuwang ang City Agriculture Office, Office of the Provincial Agriculturist, at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 2.
Tampok sa programang ito ang pagsasanay at paghahatid ng kaalaman sa mga CauayeΓ±a pagdating sa tamang pamamaraan at pagpapalago ng mga isda katulad ng Hito at Tilapia.
Maliban dito, itinuro rin sa mga kababaihan ang pagpoproseso ng isda katulad ng tinapang isda at tapang tilapia bilang alternatibong kabuhayan.
Bilang tulong sa kanilang sisimula, nakatanggap ang mga miyembro ng Rural Improvement Club (RIC), Cauayan City Green Ladies Organizations, at SM Kabalikat ng Tilapia Fingerings at Fish feeds.