π—žπ—”π—Ÿπ—”π—¬π—”π—”π—‘ 𝗝𝗒𝗕 π—™π—”π—œπ—₯ π—‘π—š π——π—’π—Ÿπ—˜ π—₯𝟭, π—‘π—”π—žπ—”π—§π—”π—žπ——π—”π—‘π—š π—œπ—¦π—”π—šπ—”π—ͺ𝗔; π—£π—¨π—•π—Ÿπ—œπ—žπ—’, π—›π—œπ—‘π—œπ—›π—œπ— π—’π—ž 𝗑𝗔 π— π—”π—žπ—œπ—•π—”π—›π—”π—šπ—œ

Hinihimok ngayon ang publiko na makibahagi sa isasagawang β€˜Kalayaan Job Fair’ ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1 na siyang isasabay sa anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa June 12, 2024.

Makakapagbukas muli ito ng iba’t-ibang oportunidad at trabaho sa mga Pangasinenseng nagnanais na makahanap ng trabaho para sa kanila.

Isasagawa ang naturang job fair sa dalawang bayan sa lalawigan ng Pangasinan kung saan libong mga trabaho ang maaaring applyan ng mga job seekers mula sa mga naghahanap na mga local at overseas employment.

Samantala, gaganapin sa mall sa bayan ng Calasiao at Rosales, Pangasinan ang mga naturang job fair ng DOLE R1. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments