𝗞𝗔𝗟𝗨𝗧𝗔𝗡 𝗘𝗗 𝗕𝗔𝗟𝗘𝗬 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗨𝗦𝗣𝗨𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔𝗔𝗡

Puspusan na ang isinasagawang paghahanda ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa selebrasyon partikular ang Bangusan Street Party Kalutan ed Baley sa darating na April 30, 2024.

Alinsunod dito ang pagtitiyak sa kaligtasan sa Ceremonial Lighting of Grills na siyang hudyat sa pagsisimula ng kalutan o ihawan ng mga bangus.

Saklaw pa ng paghahanda ang pagsiguro sa sapat na suplay ng kuryente sa darating na aktibidad katuwang ang power source sa lungsod.

Samantala, inaasahan na libo libong mga Pangasinenses at bisita ang makikilahok sa naturang pagdiriwang bilang kalakip nito ang inimbitahang ilang malalaking pangalan sa industriya ng musika at entertainment ang makikisaya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments