𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗢𝗨𝗧𝗟𝗘𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗜𝗦𝗧𝗜𝗖𝗦 𝗔𝗨𝗧𝗛𝗢𝗥𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗥𝗢𝗦𝗔𝗟𝗘𝗦, 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢

Nagsimula na ang operasyon ng bagong outlet ng Philippine Statistics Authority (PSA) na matatagpuan sa Brgy. Carmay, Rosales.

Ayon kay Chief Statistical Specialist Edgar Norberte, ang bagong outlet ay sagot sa hiling ng karamihan na magkaroon ng bagong outlet ng tanggapan mula pa noong 2021. Makakatulong upang mapaluwag ang transaksyon sa outlet sa Calasiao na higit isang libong transaksyon ang average na bilang kada araw.

Maninilbihang ang kabubukas lamang na PSA civil registration system (CRS) outlet para sa mga residente mula ika-lima at ika-anim na distrito ng Pangasinan maging sa mga karatig na lalawigan ng Tarlac at Nueva Ecija. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments