𝗞𝗔𝗥𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗠𝗣𝗟𝗘𝗬𝗔𝗗𝗢 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗕𝗨𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗖𝗘𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗛𝗢𝗦𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟𝗦, 𝗧𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡

Tututukan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan bilang isa sa nakikitang solusyon sa mas pagpapabuti ng pamamahala sa mga pampublikong ospital sa lalawigan ay ang karagdagang mga empleyado.

Kasabay nito ang pagkakaroon ng mas mabuti at mas magaang pagproseso sa mga transaksyon sa pagitan ng mga pasyente at mga kawani ng mga public hospitals.

Alinsunod dito ang isinagawang pag-iinspeksyon ng Pamahalaang Panlalawigan sa katauhan ng Provincial Administrator upang matiyak kaayusan sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga Pangasinense.

Samantala, kasunod ito ng mas pinag-iigiting pang healthcare system upang mabenipisyuhan at makatanggap ng nararapat at kalidad na serbisyong medikal ang mga Pangasinenses. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments