𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗗𝗔𝗟𝗨𝗛𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗜𝗡 𝗔𝗧 𝗗𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝗥𝗜𝗭𝗔𝗟, 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡

Cauayan City — Namahagi ng food packs ang kasundaluhan ng 17th Infrantry Battalion Bravo Company sa Barangay Gagabutan West, Rizal, Cagayan sa pagsalubong ng bagong taon.
Isinagawa ang aktibidad sa Headquarters ng Bravo Company sa naturang barangay, kung saan na benepisyohan ang mga pamilyang nangangailangan.
Pinuri ng mga opisyal ng barangay sa pangunguna ni Barangay Captain Melchor Ayat, kasama ang Anak Kami Malaueg Community Inc. (AKMCI), ang inisyatiba na nagbigay ng ngiti at pag-asa sa mga residente sa pagpasok ng bagong taon.
Ayon sa 17IB, layon ng pamamahagi na maghatid ng agarang tulong sa komunidad at higit pang patibayin ang ugnayan ng mamamayan, lokal na pamahalaan, at iba’t ibang sektor sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran.
Binigyang-diin ng 17IB na ang pagtutulungan ng militar, barangay, at mga katuwang na organisasyon ay patunay ng pagkakaisa at malasakit sa paglilingkod sa mamamayan.
Ang ganitong mga programa ay nakatutulong sa pagpapatatag ng tiwala ng publiko at sa pagtiyak na ang tulong ay direktang napapakinabangan ng mga higit na nangangailangan.
————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
Facebook Comments