Sunday, April 5, 2026

ML Party-list Rep. Leila de Lima, nagsampa ng cyber libel laban sa umano’y 18 ex-marines at kay Atty. Baligod

Pormal nang nagsampa ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) si Mamamayang Liberal (ML) Party-list Rep. Leila de Lima matapos siyang idawit ng umano’y 18 “ex-marines” kaugnay ng alegasyong tumanggap umano siya ng cash kickbacks mula sa mga flood control projects.

Sinampahan din nina De Lima at 2025 Ramon Magsaysay Award awardee Fr. Flavie Villanueva ng cyber libel si Atty. Levi Baligod.

Binigyang-diin ni De Lima na wala siyang natanggap na anumang cash mula sa mga nagpakilalang dating miyembro ng Marines.

Aniya, ang hakbang na ginagawa laban sa kanya ay para sirain ang kaniyang pangalan at reputasyon.

Pero, hindi raw niya papayagan na sirain na naman ang kaniyang pagkatao kaya kailangan umano itong pagbayaran.

Facebook Comments