
CAUAYAN CITY โ Isinagawa ang paglagda ng kasunduan para sa mga bagong proyekto ng Department of Agriculture โ Bureau of Agricultural Research sa Executive Conference Hall ng DA Cagayan Valley Research Center (DA CVRC), San Felipe, Ilagan City, Isabela.
Ang mga proyektong ito ay nakatuon sa pagpapalakas ng kakayahang kumita at produktibidad ng mga Soybean Producers at Processors Association sa buong Lambak ng Cagayan sa pamamagitan ng Full-Fat Soybean Protein Food (FFSP) Production na naglalayong mapabuti ang kapasidad at pag-develop ng mga produkto.
Ito rin ang kauna-unahang proyekto ng teknolohiya sa komersyalisasyon ng FFSP, katuwang ang University of the Philippines Los Baรฑos โ Institute of Food Science and Technology.
Upang maging matagumpay ang proyekto, nagsasagawa ang ahensya ang mga diyalogo sa mga State Universities and Colleges (SUCs) upang maipamahagi ang mga bagong kaalaman at teknolohiya sa mga lokal na magsasaka. Bukod dito, binigyang diin naman ni Regional Executive Director Rose Mary G. Aquino ang matatag na pagtutulungan ng Research Division at Field Operations Division upang epektibong maipatupad ang mga proyekto.
Inaasahan na ang mga nasabing proyekto ay magdudulot ng malaking benepisyo sa mga soybeans farmers at makakatulong sa pagpapabuti ng kanilang kabuhayan.