Inilunsad sa Pangasinan ang kauna-unahang Healthy Region 1 Caravan ng Department of Health sa bayan ng Mangaldan.
Hatid nito ang iba’t-ibang mga primary healthcare services tulad ng Bakuna Eskwela para sa mga Grades 1, 4 at 7, Dental Services, at Information and Education Campaign ukol sa iba’t-ibang uri ng mga sakit.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Center for Health Development 1 Spokesperson, Dr. Rheuel Bobis, patuloy na aarangkada ang nasabing programa sa apat na lalawigan sa buong Region 1.
Hinikayat din nito ang mga residente na magtungo sa mga lugar kung saan inilunsad ang mga bakunahan upang makapag-avail ng libreng mga serbisyong pangkalusugan.
Samantala, pagtitiyak nito na ligtas at epektibo ang mga itinuturok na bakuna sa mga bata at kabataan sa mga paaralan upang mapanatag ang mga agam-agam ng mga magulang ukol sa mga bakuna. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨