𝗞𝗜𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗘𝗟𝗜𝗩𝗘𝗥𝗬 𝗥𝗜𝗗𝗘𝗥𝗦 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗚-𝗜𝗡𝗜𝗧 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡

CAUAYAN CITY – Dahil sa init ng panahong nararanasan ngayon, ilang mga delivery riders ang apektado ang kanilang kita bunsod ng mainit na panahon.

Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team kay Ginoong Christian Buan, delivery rider, marami man ang nagpapadeliver sa kanila ngayong panahon ng tag-init ay iniinda pa rin nila ang mababang delivery fee lalo na kung malapit lamang umano ang mga nagpapadeliver.

Ayon kay Buan, pumapatak na P27 lamang umano ang delivery fee na kanilang kinikita tuwing may magpapadeliver sa kanila sa malapit.


Mababa man ang kita niya ay mapalad umano ito sapagkat kahit papaano ay hindi pa ito nakakaranas ng kahit anong summer related illness kung saan ligtas at maayos nitong nagagampanan ang kaniyang trabaho sa pamamagitan ng paghahatid ng mga delivery items at supplies sa mga residente sa Syudad.

Dagdag pa rito, pinag-iingat rin ni Buan ang kanyang mga kasamahan sa trabaho dahil sa tindi ng init.

Ayon kay Buwan, upang mapanatiling ligtas sa kalsada ay huwag na umanong piliting bumiyahe kung hindi kaya, at mas mabuting ipahinga na lamang ang katawan, ugaliin rin umanong uminom ng maraming tubig upang iwas sa anumang heat-stroke, heat cramps, at heat exhaustion ngayong panahon ng tag-init.

Facebook Comments