𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗦𝗛 𝗖𝗔𝗥𝗗 𝗡𝗚 𝟰𝗣𝗦, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗪𝗔𝗟

CAUAYAN CITY- Sa inilabas na Ordinance No. 2024-567 ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Cauayan, ipinagbabawal ang paggamit ng mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ang cash card bilang loan collateral.

Ayon sa ordinansang ito, ang sinumang lalabag ay papatawan ng kaukulang parusa at maaaring matanggal sa 4Ps.

Bukod dito, maaari ring mapatawan ng kaparusahan ang indibidwal, establisyemento, at grupo na nagpapautang sa mga benepisyaryo kapalit ng cash card ng mga miyembro ng 4Ps.


Facebook Comments