Pinasinayaan na ang konstruksyon ng 200 million pisong proyektong Umingan Community Hospital (UCH), nitong ika-18 ng Enero, sa naganap na groundbreaking ceremony sa nasabing bayan.
Nilahukan ang naturang kaganapan ng mga opisyal ng Umingan at maging ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan na pinangungunahan ni Governor Ramon Guico III.
Ang pagpapatayo ng bagong building ng UCH sa bahagi ng Barangay Gonzales ay may 55-bed capacity mula sa kasalukayang 15-bed capacity na matatagpuan sa Barangay Poblacion.
Ani Guico, ito ang kauna-unahang township project sa lalawigan kasabay ng pagmomodernize ng mga hospital. Dagdag pa niya, na ang pondong gagamitin sa proyekto ay mula sa Tobacco Excise Tax na pupunan din ng pondo mula sa budget ng probinsiya.
Samantala, naglalayon ang proyekto ito na matulungan ang mas maraming residente sa nasabing bayan at mga karatig nito upang agaran ang magiging aksyon sa mga ito ukol sa tulong medikal na kanilang kinakailangan.
Inaasahan naman ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan na matapos ang konstrukyon ng hospital ngayong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨