𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗩𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗪𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔

Sugatan ang isang trenta y siyete anyos na lalaki sa bayan ng Natividad matapos nitong mabangga ang isang aso na biglang tumawid sa kalsada.

Ang biktima ay nakilalang si Paul Divina residente ng Barangay Poblacion West sa nasabing bayan.

Naganap ang aksidente pasado alas kwatro ng Madaling araw habang sakay ng motor ang biktima nang biglang may tumawid na aso na dahilan upang mabangga nito at natumba.

Nagtamo ng mga sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan at ngayon ay nasa mabuti ng kalagayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments