Wednesday, March 4, 2026

𝗟𝗔𝗕𝗜 𝗡𝗚 𝗢𝗙𝗪 𝗡𝗔 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗬 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗜𝗦𝗥𝗔𝗘𝗟, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗠𝗨𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗜𝗨𝗨𝗪𝗜 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦; 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗜𝗣𝗔𝗥𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗥𝗔𝗗𝗢

Cauayan City – Dahil sa kaliwa’t kanang putukan at gulo sa Middle East,sarado muna para sa mga pasahero at publiko ang ilang airspace dahilan upang hindi muna maiuuwi ang mga labi ng OFW na si Mary Ann De Vera sa Pilipinas mula sa Israel .

Kinilala ang biktima na si Mary Ann De Vera, 32 anyos na tubong Basista, Pangasinan at nagtatrabaho bilang Caregiver sa Israel.

Nasawi siya matapos tamaan ng bomba ang gusaling tinutuluyan ng biktima sa Tel Aviv nitong Sabado ika-28 ng Pebrero, 2026.

Samantala, nangako ang embahada ng Israel sa Pilipinas na tutulong ito sa naulilang pamilya ng naturang Pinay.

Nagbigay na rin ng pakikiramay si Pangasinan Governor Ramon Guico III sa pamilya at nangakong susuportahan ang pamilya nito.

Nagpaabot rin ng tulong pinansyal ang ahensya ng Department of Migrant Workers Ilocos Region officer-in-charge Assistant Director na si Romeo Jaramilla, na nagkakahalaga ng PHP100,000 para sa naiwang pamilya nito.

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments