
Cauayan City — Nasa maayos na kalagayan na ang lalaking nag-viral sa social media matapos na tumalon mula sa Camalaniugan–Aparri Bridge noong umaga ng ika-9 ng Enero.
Ayon sa ulat, agad na rumesponde ang mga tauhan ng Camalaniugan Police Station nang matanggap ang ulat hinggil sa pagtalon ng lalaki. Sa kabutihang palad, ang naturang indibiduwal ay mabilis na nasagip ng isang lalaking nangingisda sa ilalim ng tulay.
Batay sa paunang impormasyon ng pulisya, nasa maayos na kondisyon at may sapat na katinuan ang biktima nang siya ay marescue. Isa sa mga nakasaksi ang kaagad na nakipag-ugnayan sa pamilya ng lalaki, na siyang nagdala sa kanya sa Grupo Medico De Dios Hospital upang sumailalim sa kinakailangang medikal na pagsusuri at pangangalaga.
Tiniyak ng mga awtoridad na ang biktima ay ligtas at nasa mabuting kalagayan. Nagpahayag din ng pasasalamat ang kapulisan sa mabilis na pagtulong at malasakit ng mga mamamayan sa lugar na naging dahilan upang maiwasan ang mas malubhang pangyayari.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan









