𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗞𝗔𝗚𝗔𝗧𝗜𝗡 𝗔𝗧 𝗣𝗨𝗟𝗨𝗣𝗨𝗧𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗜𝗟𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬



Cauayan City – Patay at wala ng buhay ang isang lalaki matapos kagatin at puluputan ng isang dambuhalang sawa ngayong araw ika-11 ng Enero sa isang dike sa Barangay Bolilao, Mandurriao, Iloilo City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Julius na residente ng naturang lugar.

Ayon sa mga residente, nagising sila bandang alas-4:30 ng madaling-araw dahil sa isang malakas na kalabog. Nang kanilang silipin, nakita nila ang malaking sawa na nakapulupot sa katawan ng biktima.

Agad umanong pinukpok ng mga residente ang ahas upang mapalaya ang lalaki ngunit nabigo ang mga ito na siyang dahilan ng kanyang pagkakasawi.

Ayon kay Police Capt. Val Cambel ng Mandurriao Police Station, pinaniniwalaan ng mga residente na hindi napansin ng biktima ang sawa at maaaring natapakan niya ito na siyang dahilan upang kagatin at puluputan siya nito.

Dagdag pa ng mga residente, malapit ang lugar sa Bolilao Creek kung saan madalas umanong may nakikitang mga sawa, lalo na kapag high tide.

Batay sa report, ito umano ang kauna-unahang pagkakataon na may isang indibidwal na napatay ng sawa sa lugar.

Photo courtesy : Noriel Valles

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments