π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—žπ—œ, 𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—”π——π—’ 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗒𝗦 π— π—”π—šπ—‘π—”π—žπ—”π—ͺ π—‘π—š π— π—”π—‘π—šπ—šπ—” 𝗦𝗔 π—–π—”π—Ÿπ—”π—¦π—œπ—”π—’; π—¦π—¨π—¦π—£π—˜π—ž, π—œπ—¦π—” π—₯π—œπ—‘π—š π—§π—¨π—Ÿπ—”π—ž π—‘π—š 𝗗π—₯π—’π—šπ—”

Arestado ang 28 anyos na kinilalang si Rick Brend EspaΓ±ol residente ng Brgy. Bonuan Binloc, Dagupan City matapos mahuling nagnanakaw ng mangga sa Brgy. San Miguel, Calasiao.

Nahuli mismo ng mga may-ari ang suspek sa aktong pagnanakaw ng mga bunga ng mangga.

Nadakip naman ng pamunuan ng barangay ang suspek at itinawag sa awtoridad. Nang kapkapan ito, nahuli sa kanya ang 0.155 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit isang libong piso.

Haharap ang suspek sa kasong pagnanakaw at paglabag sa RA 9165. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments