𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗡𝗜𝗧𝗔 𝗡𝗜𝗧𝗢 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗠𝗨𝗠𝗨𝗧𝗢𝗟 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗪𝗔𝗬𝗔𝗡

Sugat sa leeg at braso ang tinamo ng isang trenta y siyete anyos na lalaki matapos itong tagain ng isa sa mga lalaking sinita nito na namumutol ng kawayan sa kanilang compound sa Urdaneta City.

Ang biktima ay nakilalang si Denver Bangayan habang ang suspek ay nakilalang si Jhon Cadimas.

Naganap ang pananaga pasado alas tres ng hapon nang sitahin ng biktima ang suspek at isa pang kasama nito dahil sa pamumutol ng kawayan sa kanilang compound ng hindi nagpapaalam.

Dahil dito ay nagtalo ang dalawa kung saan ay bigla na lang naglabas ng itak ang suspek at agad na tinaga ang biktima sa kanyang leeg at braso.

Isinugod naman agad sa pagamutan ang biktima habang naaresto naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek at itak na ginamit nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments