𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗟𝗢𝗚, 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔 𝗣𝗔 𝗦𝗔 𝟲 𝗣𝗘𝗦𝗢𝗦 𝗞𝗔𝗗𝗔 𝗣𝗜𝗥𝗔𝗦𝗢

Bumaba na sa anim na piso o ₱6 ang per piraso ng itlog, kasalukuyang pinakamababang presyo sa mga pampublikong pamilihan sa Dagupan City.

Matatandaan na noong mga nakaraang buwan ay sumirit ang presyo nito sa merkado kung saan nasa halos ₱9 ang pinakamamabang presyo nito noon.

Nasa ₱7 ang medium size habang nasa ₱8.50 naman ang presyo ng large size nito.

Ayon naman sa mga consumer, mas mainam ang pagbili sa mga pamilihan dahil sa mga tindahan, nananatiling sampung piso ang benta sa kada piraso ng itlog anuman ang laki nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments