π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—ͺπ—œπ—šπ—”π—‘ π—‘π—š π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘, 𝗑𝗔𝗦𝗔 π—œπ—Ÿπ—”π—Ÿπ—œπ—  𝗣𝗔 π—₯π—œπ—‘ π—‘π—š 𝗗π—₯π—’π—¨π—šπ—›π—§ π—¦π—˜π—”π—¦π—’π—‘

Nasa ilalim pa rin ng drought season o tagtuyot ang lalawigan ng Pangasinan, ayon ito sa Climate Forum 2024 na inilabas ng PAGASA.

Ngayong buwan, pumalo na sa 24 na probinsya ang naitalang nakaranas ng nasabing panahon. Labingwalo sa mga nasabing probinsya ang mula sa North and Central Luzon.

Ayon sa PAGASA, drought kapag tatlong buwan na may naitalang below normal ang rainfall condition, o kaya nama’y mababa ng 60% sa naitatalang normal na pag-ulan, o kaya nama’y limang buwan na magkakasunod na below normal.

Sa tala ng ahensya, labimpito naman ang nakararanas ng dry spell at sampung lalawigan ang drought condition.

Ngayong buwan, wala pang naitatalang pag-ulan sa lalawigan ng Pangasinan na siyang nakapagpapalala ng nararanasang epekto ng El NiΓ±o sa probinsya.|π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments