Hindi diumano bahagyang apektado ng El Niño ang lalawigan ng Pangasinan sa gitna ng nararanasang mainit na panahon.
Ayon sa panayam ng IFM News Dagupan kay Samahan ng Industriya ng Agrikultura o SINAG Chairman Engr. Rosendo So, ayos pa naman at hindi masyadong dama ang epekto ng nasabing phenomenon ang lalawigan, pati na rin ang kalapit nitong lalawigan na Nueva Ecija at Isabela.
Sa usapin naman ng bigas, nananatili ang presyuhan nito ngayon, kung saan nasa P45 hanggang P48 ang pinakamababang presyo ng kada kilo ng well-milled rice.
Samantala, inaasahan ang pagbaba ng presyo ng bigas kung sakaling maranasan pa ang pagdami ng ani ng mga magsasaka.
Sa ngayon, asahan ang pag-stabilize ng presyo ng mga agri-products sa papalapit na Semana Santa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨