𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗗𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝟲𝟬𝗞 𝗡𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗢𝗧𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗞𝗔𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗩𝗢𝗧𝗘𝗥’𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Umabot na sa animnapung libo ang naitalang mga bagong botante sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ay kaugnay sa nagpapatuloy na voter’s registration sa buong Pilipinas.

Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay Pangasinan Provincial Election Supervisor Atty. Marino Salas, sa susunod na Linggo malalaman ang eksaktong bilang ng mga nadagdagan sa listahan dahil dadaan pa sa balidasyon ang mga ito.

Kaliwa’t kanan aniya ang ginagawang off-site registration upang makatanggap ng mga bagong botante.

Ngayong mga holiday maging araw ng Sabado ay bukas ang lahat ng opisina ng COMELEC, aniya, upang tumanggap ng mga bagong mga botante na magpatala. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments