𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗜𝗢𝗦𝗞 𝗣𝗔𝗬𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗠𝗔𝗖𝗛𝗜𝗡𝗘 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗡𝗩𝗘𝗡𝗜𝗘𝗡𝗖𝗘 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬

Sinira ng mga kawatan ang isang kiosk payment machine matapos looban ang isang convenience store sa Brgy. Licsi Manaoag, Pangasinan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sinira ng mga suspek ang railing at pinto sa likod ng tindahan para makapasok at makapag nakaw.

Naglalaman ng humigit kumulang limang libong piso ang laman ng kiosk payment machine.

Tinangay rin ng mga kawatan ang isang CPU at labing apat na kaha ng sigarilyo. Hindi pa nakuntento ang mga ito at sinira pa ang ibang kagamitan sa convenience store.

Wala umanong security guard ang convenience store.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente upang matukoy at maaresto ang mga suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments