𝗟𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥, 𝗡𝗔𝗠𝗕𝗔𝗦𝗧𝗢𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗧𝗨𝗟𝗨𝗡𝗚𝗔𝗡

Kalaboso ang isang 25 anyos na construction worker sa bayan ng infanta matapos mambastos ng pulis.

Hinamon at minura ng suspek na si justin pagaringan ang isang personnel ng pnp infanta na ikulong umano ito.

Ayon sa awtoridad, nagsasagawa sila ng pagroronda nang mapansing nagmamaneho ng lasing si pagaringan.

Dahil dito, hinabol siya ng kapulisan at pinatigil ngunit nang sitahin agad na pinagmumura ang mga pulis.

Inihahanda na ang kaso laban kay pagaringan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments