𝗟𝗚𝗨 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡 𝗔𝗧 𝗗𝗢𝗟𝗘, 𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗧𝗨𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝟭𝟬𝟬 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗥𝗬𝗢

Ipinagkaloob, kamakailan ng Department of Labor and Employment o DOLE katuwang ang Local Government Unit ng Lingayen sa nasa isandaang residente sa nasabing bayan ang mga tulong-pangkabuhayan.

Sa datos, dalawampung (20) negosyo sa kariton ang ibinahagi sa mga ambulant vendors, apatnapu’t dalawang (42) miyembro naman ang pinamahagian ng sundot-kulangot o calamay-making starter kits, at apatnapu’t isang (41) ang nakatanggap ng kakanin-making starter kits.

Ang nasabing programa ay nasa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program o DILP, kung saan naglalayong itong matulangan at mabigyan ng pagkakakitaan ang mga benepisyaryo ng nasabing programa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments