𝗟𝗚𝗨 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗟𝗔𝗥𝗦𝗛𝗜𝗣 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠

Patuloy ang pagtanggap ng lokal na pamahalaan ng Lingayen sa mga applications ng mga kwalipikadong mag-aaral sa scholarship program na “Iskolar Ako ng Bayan”.

Layunin ng programa na matulungan ang mga mag-aaral mula sa Lingayen na dumaranas ng problema sa pinansyal. Sa ilalim nito, makakatanggap ng P5, 000 ang kwalipikadong estudyante kada semester.

Ayon kay Mae Rueda ang Information Officer ng LGU Lingayen, kinakailangan na mapanatili ng isang estudyante ang passing grade at hindi magkaroon ng bagsak na grado sa buong pag-kolehiyo nito.

Nagsimula ang application para sa “Iskolar Ako ng Bayan” Program noong April 29 at magtatapos hanggang August 16. Kabilang sa mga requirement ay ang Barangay Certificate of Residency, Barangay Indigency Certificate, Income Tax Return para sa mga aplikante na employed sa gobyerno at Social Case Study Report mula sa MSWDO. Upang maging kwalipikado, hindi rin dapat lalagpas sa P200, 000 ang pinagsamang annual income ng guardian o magulang ng aplikante.

Bukas para sa lahat ng residente at incoming first year students mula sa Lingayen ang naturang scholarship program. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments