𝗗𝗘𝗟𝗜𝗩𝗘𝗥𝗬 𝗥𝗜𝗗𝗘𝗥 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗔𝗖𝗜𝗡𝗧𝗢, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗟𝗣𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗨𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗧𝗥𝗔𝗞

Patay ang bente anyos na delivery rider mula Brgy. Sta. Maria, San Jacinto kinilalang si Maxine Dacanay matapos sumalpok ang minamanehong motor sa kasalubong na closed van truck.

Sa imbestigasyon, patungong town proper ang trak habang salungat naman ang direksyon ng motor. Bigla na lang umanong sakupin ng motor ang linya ng trak dahilan ng salpukan ng mga ito.

Sugatan din ang backride ng motor kinilalang si Mac Jover Dacanay at kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad ang driver ng trak maging ang mga sasakyan na napinsala |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments