Sunday, February 8, 2026

‎𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗜𝗠, 𝗜𝗕𝗜𝗡𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝟭𝟭 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗘𝗖𝗛𝗔𝗚𝗨𝗘, 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔


‎Cauayan City – Upang mas mapalapit ang teknolohiya sa mga mag-aaral at guro, namahagi ang DICT Region II ng libreng Bayanihan SIM cards sa 11 pampublikong paaralan sa bayan ng Echague.

‎Kabilang sa mga benepisyaryo ang Garit Sur at Garit Elementary, Highway Region National High School, San Juan, Rumang-Ay, Malitao, Dammang Malitao, Bacradal, Libertad, at San Antonio Elementary Schools.

‎Bawat SIM card ay may 25GB na libreng data bawat buwan sa loob ng isang taon.

‎Ayon kay Engr. Magdalena Gomez, makakatulong ang SIM sa pag-access ng online learning materials, pananaliksik, at iba pang digital platforms na mahalaga sa edukasyon ng mga estudyante at guro.

‎Layunin ng programa na palawakin ang digital inclusion sa Cagayan Valley at tiyakin na walang mag-aaral ang maiwan sa makabagong teknolohiya.

‎Source: PIA Isabela

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments