𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛𝗖𝗔𝗥𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗘𝗦, 𝗛𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗘Ñ𝗢

Ihahatid sa mga Dagupeños ang libreng serbisyong pangkalusugan mula sa tanggapan ng namumunong kongresista sa ikaapat na distrito ng Pangasinan.

Saklaw ng mga serbisyong medikal ay ang health consultation, pamamahagi ng libreng gamot at bitamina, maging ang dental service na pagbunot ng ngipin.

Isasagawa sa darating na May 8 at 10, 2024 ang nasabing aktibidad sa Brgy. Pantal at Salisay; Pogo Grande at Herrero-Perez.

Nauna nang umarangkada ang libreng serbisyong pangkalusugan sa mga barangay ng Mangaldan at San Fabian alinsunod sa pagsusulong ng kapakanang pangkalusugan ng mga Pangasinenses. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments