𝗟𝗜𝗖𝗘𝗡𝗦𝗨𝗥𝗘 𝗘𝗫𝗔𝗠 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗦𝗣𝗜𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗣𝗔, 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗨𝗞𝗨𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Kasalukuyang isinasagawa ang isang licensure exam para sa mga aspiring Certified Public Accountants o CPAs.

Umpisa na ang tatlong araw na pagsusulit kahapon lamang May 26, at magtatagal ito hanggang sa May 28.

Inaasahan ang nasa higit dalawang daan na mga indibidwal ang sasalang sa inihandang eksaminasyon na ginaganap sa bayan ng Rosales.

Nauna nang pinaalalahanan ng Professional Regulation Commission (PRC) – Regional Office I ang mga kinakailangang gawin upang maiwasan ang aberya sa araw ng exams at mapaghandaan ito ng mga kukuha ng pagsusulit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments