
Cauayan City – Hindi na makakapagtago pa sa kamay ng batas ang isang lolo na suspek sa paulit-ulit na panggagahasa sa sarili nitong apo, matapos na maaresto sa bayan ng Allacapan, Cagayan, kahapon , ika-6 ng Pebrero.
Ayon sa ulat, ang suspek ay isang 67-anyos na lolo na itinuturing na Top 3 Regional Most Wanted Person matapos na maharap sa 105 na bilang ng kasog Rape at Sexual Assault, at 3 bilang ng Acts of Lasciviousness kung saan mismog Menor-De-Edad na apo nito ang kanyang biktima.
Lumalabas sa imbestigasyon na nagsimula ang pang-aabuso ng suspek sa biktima noong taong 2020 kung kalian 7 taong gulang pa lamang ang biktima, ngunit pormal lamang silang nagsampa ng kaso sa suspek noong 12 taong gulang na ang bata.
Ayon rin sa pagsisiyasat, tanging ang biktima, ang suspek, at ang lola nito ang nakatira sa kanilang bhay dahil ang magulang ng bata ay mayroon na ring kanya-kanyang pamilya at nata-trabaho sa ibang lugar.
Dahil sa takot sa posibleng gawin ng suspek sa biktima, hindi nito nagawang magsumbong kaagad at umabot pa ng 5 taon bago nito sinabi ang pang-aabuso ng kanyang sariling lolo sa kanya.
Nagawa ng biktima na magsumbong sa kanyang ina sa pamamagitan ng pagchat sa messenger, na naging daan upang magsampa naman ng reklamo ang ama nito laban sa suspek.
Samantala, patuloy naman ang panawagan ng kapulisan sa publiko na kung sakali man na makaranas ng anumang-uri ng pang-aabuso, huwag matakot at kaagad na magsumbong at tumawag sa kinauukulan upang mapigilan at mabigyan ng hustisya ang pambibiktima sa kanila.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










