𝗟𝗢𝗟𝗢, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗟𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚-𝗟𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

CAUAYAN CITY – Wala nang buhay nang matagpuan ang katawan ng isang 85-anyos na lolo sa isang ilog na sakop ng Cabisera 22-25, Ilagan City, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Daniel Agtarap, byudo , at residente ng Barangay Villa Imelda ng nabanggit na siyudad.

Una rito, nakatanggap ng tawag ang himpilan ng Ilagan CPS mula sa kapitan ng Cabisera 22 na si Hon. Rogelio Bueno upang ireport ang kanilang natagpuang bangkay.


Kaagad naman na tumungo sa lugar ang mga kasapi ng pulisya at positibong nadatnan ang bangkay ni Lolo Daniel.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon hinggil sa sanhi ng pagkamatay ng biktima matapos itong makitaan ng ilang sugat sa bahaging ulo.

Facebook Comments