Muling ipinaalala ng tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB Region 1 na hindi na talaga magkakaroon pa ng extension para sa PUV consolidation sa kabila pa rin ng pang-poprotesta ng ilang transport group.
Ayon kay LTFRB R1 Regional Director, Atty. Anabel Marzan-Nullar, matatapos na ang phase ng PUV consolidation sa April 30 at ang isa sa kanilang pinaghahandaan ay ang susunod na phase kung saan unti-unti nang pag-arangkada ng mga modernized jeepneys.
Sa pagtatapos rin umano ng PUV consolidation ay ang hindi na rin pagpapahintulot sa mga individual jeepney drivers na walang kooperatiba na umarangkada sa kakalsadahan.
Sa ngayon, aminado rin ang tanggapan ng LTFRB Region 1 na pahirapan ang unti-unting paglipat ng mga jeepney drivers a operators mula traditional to modernized na uri ng jeep. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments