𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗖𝗢𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡, 𝗨𝗡𝗧𝗜-𝗨𝗡𝗧𝗜 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗟𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗔𝗣𝗔𝗦𝗔𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗗𝗘𝗥𝗡𝗜𝗭𝗘𝗗 𝗝𝗘𝗘𝗣𝗡𝗘𝗬𝗦

Unti-unti nang naglalabas ng kanilang pampasadang modernized jeepneys ang ilang transport cooperative sa lalawigan ng Pangasinan bunsod ng tuloy na pag-arangkada sa jeepney modernization sa bansa.

Ang MALADAGJODA transport cooperative kung saan may rutang Lingayen – Alaminos, nagsagawa na ng kanilang launching para sa limang bagong modernized jeepneys na gagamitin ng kanilang mga miyembro sa pamamasada.

Nakapagbigay na rin ng pahintulot ang LTFRB Region 1 sa naturang kooperatiba na maaari na nilag magamit ang modernized jeepneys para ipasada.

May ilan pang mga transport cooperative ang nagbabalak na ring maglabas ng kanilang mga modernized jeepneys para umano sa mas maayos at environment friendly na uri ng transportasyon sa mga komyuter sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments