
Cauayan City – Magkakaloob ng libreng serbisyo ang Land Transportation Office (LTO) Cauayan City District Office para sa mga residente ng Cauayan City at mga kalapit na lugar bilang bahagi ng kanilang serbisyong pang-komunidad.
Kabilang sa mga serbisyong ihahandog ang Free Theoretical Driving Course (TDC), Mobile Licensing, at Mobile Registration, na layong gawing mas madali at abot-kamay ang mga transaksiyon sa LTO.
Isasagawa ang aktibidad sa January 23 hanggang 24, 2026, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5: ng hapon sa Community Center ng Barangay Nagrumbuan, Cauayan City, Isabela.
Inaanyayahan ng ahensys ang mga nais lumahok sa libreng Theoretical Driving Course na mag-pre-register sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan kay Barangay Chairman Rodel V. Francisco o sa pag-scan ng QR code na inilaan para sa rehistrasyon.
Pinapaalalahanan ang publiko na limitado lamang ang slots, kaya’t hinihikayat ang lahat na agad na magpatala upang makabenepisyo sa naturang programa.
—————————————
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










